Nakaw mo, wawa ako
Sa buong buhay kong namumuhay kahapon lang ako nanakawan ng wallet sa bag ko. Mukha ba kasing may makukuha sa akin? Pagmamahal pwede siguro. Nakakapanghinayang naman kasi talaga. I definitely lost the opportunity to use the money for awesome things. Nalibre ko siguro mga kaibigan ko. (UTUT MO KEVIN. haha.) Karma siguro sa akin ito kasi napakakuripot ko. Di ko alam. Wala naman akong gustong bilhin. Gusto ko lang ng contingency fund o magstock ng pera. (Sorry BSP for this. Isa ako sa mga nagbibigay ng disruption ng economic flow sa ating bansa) haha. Move on. Dadami rin pera ko pag tanda ko. Di ba pwedeng pag nagkatrabaho muna?
Actually, dalawa ang nanakaw sa akin kahapon (Friday). Una ay ang wallet ko. Pangalawa ay ang puso ko dahil nakasabay ko ang aking crush sa pedicab at katabi ko pa sya! Well compensated, pare!
-
theantbully liked this
-
sadomarksochist liked this
-
keviniality posted this